^

Metro

Trike driver, kasabwat na criminology student, huli sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Trike driver, kasabwat na criminology student, huli sa buy-bust
Kinilala ni QCPD Director, BGen Danilo Macerin ang mga naarestong suspek na sina Ruel Alfaro, 45, tricycle driver at Sohail Arumpac, 23, isang Criminology student na nagtatrabaho bilang Food Panda delivery driver, at kapwa residente ng Maynila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver at kasabwat nitong Crimino­logy student ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang buy-bust operation sa Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director, BGen Danilo Macerin ang mga naarestong suspek na sina Ruel Alfaro, 45, tricycle driver at Sohail Arumpac, 23, isang Criminology student na nagtatrabaho bilang Food Panda delivery driver, at kapwa residente ng Maynila.

Batay sa ulat ng QCPD-La Loma Police Station (PS 1), nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa nang maaresto ang mga suspek sa 915 Unit 2G, Prudencio St., Brgy. 473, Manila.

Nakatanggap umano ang mga tauhan ng PS-1 ng tip mula sa isang confidential informant hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga ng mga suspek kaya’t kaagad na nakipagkoordinasyon sa mga sangkot na law enfor­cement unit at saka nagkasa ng buy-bust operation.

Isang pulis ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P1,000 halaga ng shabu mula sa mga suspek ay kaagad nang inaresto ang mga ito.

Nakumpiska mula sa kanila ang may 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000, buy-bust money, digital weighing scale, at cellular phone na ginamit sa drug transaction.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with