^

Metro

DILG: Brgy. health workers sa Pasay, binigyan pa ng dagdag na 5,000 COVID-19 vaccines

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinagkalooban pa ng pamahalaan ng karagdagang 5,000 doses ng COVID-19 vaccine ang Pasay City.

Ito’y kasunod na rin nang dumaraming bilang ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga karagdagang bakuna ay para sa mga barangay health centers at workers.

Layunin aniya nang pagbibigay ng karagdagang suplay na maprotektahan ang mga barangay health workers laban sa virus, dahil na rin sa pagdami nang naitatalang bilang ng impeksiyon sa lungsod.

Matatandaang noong nakaraang linggo nagpahayag ng pangamba ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Pasay City hinggil sa pagtaas ng transmission rate ng virus sa mga tahanan.

Upang mapigilan naman ang pagdami pa ng mga kaso ng sakit, isinailalim sa lockdown ng lokal na pamahalaan ang may 56 nilang barangay.

Una na ring inamin ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano noong Pebrero 9 na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos na sumailalim sa RT-PCR test.

Kamakailan ay nakumpirmang isa sa mga kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa, ang naitala sa Pasay City, habang nitong Martes naman, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tatlo sa anim na bagong kaso ng South African variant na natukoy sa Pilipinas, ay mula rin sa natu­rang lungsod.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with