_ngayon
^

Metro

ValTrace QR Codes magagamit sa Pasig, Antipolo, at Mandaluyong

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magagamit na rin sa lungsod ng Pasig, Antipolo, at Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19.

Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng Valenzuela City, PasigPass ng Pasig City, Bantay COVID-19 ng Antipolo City at Manda Track ng Mandaluyong City.

Nangangahulugan lamang na hindi na kailangan na mag-download ng hiwalay na QR code upang makapasok sa mga nasabing lungsod.

Ipinatupad ng Valenzuela ang ValTrace QR Code noong Oktubre 2020 upang maiwasan na ma- expose ang kanilang residente sa COVID-19 virus na napatunayang epektibo sa mga establisimiyento at mga nagtutungo sa lungsod.

Ginagamit na rin ng mga taga -Valenzuela ang ValTrace QR codes para sa kanilang VCVax COVID-19 Vaccination registration.

COVID-19 VALENZUELA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with