^
Higit P1.5 milyong shabu nasamsam sa serye ng drug-bust
Sa ulat na isinumite kay Southern Police District (SPD) director, P/General Eliseo Cruz, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Jose Hernando Llaguno, 20, at Enzo Dwight Javier, 18, ng pinagsanib na puwersa ng SPD Station District Enforcement Unit (SDEU) at Station Intelligence operatives ng Makati Police Station, dakong alas-7:30 ng gabi sa C5 Service Road Phase 2 Brgy. Pinagsama, Taguig City.
Philstar.com/John Unson, file

Higit P1.5 milyong shabu nasamsam sa serye ng drug-bust

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa P1.5 milyong shabu ang nasamsam sa magkakasunod na drug-bust operation sa Taguig at Makati City, iniulat kahapon.

Sa ulat na isinumite kay Southern Police District (SPD) director, P/General Eliseo Cruz, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Jose Hernando Llaguno, 20, at Enzo Dwight Javier, 18, ng pinagsanib na puwersa ng SPD Station District Enforcement Unit (SDEU) at Station Intelligence operatives ng Makati Police Station, dakong alas-7:30 ng gabi sa C5 Service Road Phase 2 Brgy. Pinagsama, Taguig City.

 Nakabili ng halagang P270,000.00 na shabu ang poseur-buyer mula sa mga suspek at nakasamsam pa ng ilang medium sized sachet ng shabu na may kabuuang 170 gramo na nagkakahalaga ng  P1,156,000.  

Una rito, dakong ala -1:30 ng madaling araw nang madakip naman ng Taguig City Police Station Station Drug Enforcement Unit  sa isa ring buy-bust operation sa Brgy. Maharlika, Taguig City ang isang Ebrahim Ondia, na nasamsaman ng 22.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P153,000.00. 

Kasabay nito ang pagkakadakip din kina Fatima Guinto, 21; Michelle Dela Cruz, 30; Fernando Curioso, 25; at Felix Guinto, 30, sa Brgy Katuparan,Taguig City, na nakuhanan ng 6 na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 217,600.00.

Dakong alas 8:38 ng gabi nang maaresto sa Catleya St., Brgy. Rizal, Makati City ang isang Michael Tumalian, alyas Imaw na nasamsaman ng 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with