^
Red Cross, handang tumulong sa COVID-19 vaccination
Ayon kay PRC chairman at CEO, Senator Richard Gordon, bagama’t hindi pa pormal na hinihingi ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanilang tulong sa pagbabakuna, ay handa naman aniya silang gawin ito kung kakailanganin.
Boy Santos/File

Red Cross, handang tumulong sa COVID-19 vaccination

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa ang Philippine Red Cross (PRC) na tumulong sa vaccination program laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sinimulan nang isagawa kahapon ng pamahalaan sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay PRC chairman at CEO, Senator Richard Gordon, bagama’t hindi pa pormal na hinihingi ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanilang tulong sa pagbabakuna, ay handa naman aniya silang gawin ito kung kakailanganin.

“Right now, hands on kami sa pagbabakuna sa measles at sa polio. So for us to vaccinate dito sa COVID, handa kaming tumulong. We’re doing that all over the world, by the way,” pagtiyak ng senador, sa Laging Handa press briefing.

Sinabi pa ng PRC chief na mayroon sila ngayong tatlong bus na available bilang mobile vaccine clinics.

Dahil aniya malalaki ang kanilang mga bus at minsan ay hindi maaaring pumasok sa mga looban, maaari na lamang nilang ipuwesto ang mga ito sa isang lugar sa isang barangay upang lahat ng magpapabakuna ay doon na lamang pupunta.

“So I suggest, we just bring the vaccines to a certain area in a barangay para sa ganun lahat ng magpapabakuna pupunta na lang doon. Hindi naman kailangan dalhin sa doorstep ng tao ‘yung vaccine, pero kung maluwag ang lugar nila, dadalhin namin ‘yan,” aniya pa.

Tiniyak din naman ni Gordon na mayroon din silang mga refrigerators at mga freezers na maaaring magsilbi bilang storage facilities para sa COVID-19 vaccines.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with