^

Lagnat, pamumula matapos ang bakuna normal-DOH

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Health Director Aleli Anne Grace Sudiacal, na normal lamang na makaranas ng lagnat at pamumula ang naturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Sudiacal, tulad ng pangkaraniwan binabakunahan, walang dapat na ikabahala ang sinumang vaccine recipient sa loob  ng 24 oras.

Sinabi ni  Sudiacal sa kanyang pagdalo sa pagsisimula nang pagbabakuna sa PNP na  nakaalalay naman ang DOH at iba nilang medical agency sakaling magkaroon ng adverse reaction na tatagal ng 24 oras.

Paliwanag naman ni DILG Undersecretary Bernardo Florece, inaasahan naman nila ang pagtanggi sa bakuna ng publiko dahil na rin sa  isyu ng Dengvaxia.

Subalit ngayong naipaliwanag  mabuti na epektibo ang bakuna bumaba na sa 25 porsiyento ang  acceptance. Nabatid na umabot sa 75 porsiyento ang tumangging magpabakuha laban sa COVID-19.

Aniya, titiyakin nilang mababakunahan ang lahat pulis at bumbero para sa patuloy na pagseserbisyo.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with