^

Presyo ng petrolyo muling umalagwa

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpatupad muli ng big-time increase ang mga kompanya ng langis ngayong araw.

 Alas-6:00 ng umaga ngayong Martes (Marso 2) ay sabay na pataas ng singil ang Petron Corporation at  Pilipinas Shell, ng P1 sa kada litro ng gasolina, P0.85 sa kada litro ng diesel, at P0.70 sa kada litro ng kerosene.

Ganito ring pagtaas ang ipapatupad ng Chevron Philippines subalit pagpatak pa lang ng alas-12:01 ng Martes ay iiral na ito.

 Ang mga independent oil firms na PTT Philippines, Seaoil, Phoenix Petroleum, Total Philippines, Unioil Phi­lippines at Petro Gazz ay alas-6:00 ng umaga rin magpapatupad ng katulad na presyo sa produkto nilang gasoline at diesel.

 Ang Clean Fuel na pareho lang din ang presyong ipatutupad ay magsisimula naman ng alas-4:01 ng hapon ng Martes.

Una nang nagpatupad ng taas-singil na P0.82 sa bawat kilogram ng kanilang produktong liquefied petroleum gas (LPG) na katumbas ng P9.02 sa 11-kilogram ng tangke ng cooking gas kahapon ng alas -12:01 ng madaling araw habang ang auto gas nila ay may dagdag na P0.46 sa kada litro.

 

OIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with