_ngayon
^

Metro

Programa vs rabies, pinalakas sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalakas ng Quezon City ang saturation drive kontra rabies dahil na rin sa tumaas na bilang ng kaso nito sa District 1.

Sa ulat ng QC Veterinary Department, patuloy ang pagtaas ng kaso ng rabies sa District 1 at may isa ng namatay dahil dito.

 “Our City Veterinarian recently recorded five animal rabies cases and one human death within a month, that’s why the district has now been categorised as high risk,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Patuloy  naman ang City Vet  sa  pagsasagawa ng  house-to-house anti-rabies vaccination drive sa may  one-kilometer radius  ng mga high risk areas lalo na sa mga lugar ng  Bago Bantay at Barangays Philam, Bagong Pag-asa, at Ramon Magsaysay gayundin sa Barangay Bagbag sa District 5.

Nagsagawa na rin ng spay at nueter campaign ang  City Veterinarian para makontrol ang pagdami ng populasyon ng mga aso sa lungsod.

 Ipinaalala ni  City Veterinarian Dr. Ana Marie Cabel na kung nakagat ng aso o ng  anumang uri ng alagaing hayop ay dapat na magtungo agad sa pinakamalapit na health center at i-report  ang insidente para mabigyan ng kaukulang atensiyong medikal.

Ang QC LGU ay nagkakaloob ng  libreng anti-rabies shots sa mga taong nakagat ng aso.

 

RABIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with