_ngayon
^

Metro

Nasawi sa PNP-PDEA ‘misencounter’, umakyat na sa lima

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Nasawi sa PNP-PDEA âmisencounterâ, umakyat na sa lima
“So far five, the last count was five. We hope it stops there. May mga wounded. I have yet to go over the medical reports,” ayon kay NBI spokesperson Atty. Ferdinand Lavin.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Lima na ang naitatalang nasawi sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City, ayon sa kumpirmasyon ng tagapagsalita ng National Bureau of Investigation (NBI).

“So far five, the last count was five. We hope it stops there. May mga wounded. I have yet to go over the medical reports,” ayon kay NBI spokesperson Atty. Ferdinand Lavin.

Hindi naman binanggit ni Lavin kung miyembro ng PDEA o ng PNP ang panibagong nasawi sa engkuwentro na naganap malapit sa isang mall sa may Commonwealth ­Avenue, Quezon City.

Unang naiulat na dalawang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang agad na nasawi sa engkuwentro gayundin ang isang operatiba at impormante ng PDEA ang inihayag na nasawi rin.

Sinabi ni Lavin na umaasa sila sa NBI na makikipagtulungan pareho ang PNP at PDEA sa kanilang imbestigasyon. Hamon sa kanila ang lebel ng kooperasyon ng dalawang ahensya lalo na sa pagbibigay sa kanila ng mga dokumento.

PDEA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with