^
Mas mahigpit na protocols, giit ni Mayor Joy
“We have observed that the public is becoming lax in taking COVID precautions. But we’d like to remind them that the virus is still very much in our midst, and this could possibly include a number of its variants. This is no time to relax,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
The STAR/Michael Varcas

Mas mahigpit na protocols, giit ni Mayor Joy

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inatasan ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte ang city’s health department, law and safety enforcement teams, at barangays  na palakasin pa ang mga hakbang para matiyak na naipatutupad ng maayos ang lahat ng  health protocols laban sa COVID-19.

Ang hakbang ay ginawa ni Belmonte  nang mapansin ang pagtaas ng kaso ng virus  nitong nakalipas na dalawang linggo.

“We have observed that the public is becoming lax in taking COVID precautions. But we’d like to remind them that the virus is still very much in our midst, and this could possibly include a number of its variants. This is no time to relax,” pahayag ni Belmonte.

Kailangan anyang matiyak na sinusunod ng publiko ang  minimum health protocols tulad ng social distan­cing, pagsusuot ng masks, paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa malalaking pagtitipon upang huwag kumalat ang virus.

“The local government will distribute face masks once again to all barangays especially for our indigent residents,” sabi pa ni ­Belmonte.

Sinabi ni Dr. Rolando Cruz, hepe ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) magdaragdag sila ng vaccination sites  sa mga apektadong barangays. Una nang nakapag-identify ang QC government ng 26 inoculation sites oras na dumating na ang COVID-19 vaccine sa lungsod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with