^

‘Wag mag-relax-Yorme

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

Sa pagtaas ng COVID-19

MANILA, Philippines — Muling umapela si Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente ng lungsod na huwag magre-relax dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19)  ngayong Pebrero kumpara sa mga nakalipas na buwan.

“Baka kayo ay nagre-relax na. ‘Wag po. Let us continue to wear face masks and observe social distancing. Patuloy na lumalaki ang cases sa Metro Manila,” ani Moreno.

Iniulat niya sa bayan ang naitala nitong Pebrero 26 na may 61 bagong kaso ng CO­VID-19 ang lungsod at nasa 437 ang aktibong kaso.

“Makikita niyo na me konting paglago ng impeksyon. Baka lang, ako ay nagpapaalala na baka masyado tayong natutuwa na napapababa natin ang impeksyon at napapabayaan na natin ang distancing at pagsusuot ng mask. ‘Wag po mga kababayan,” anang alkalde.

Batay aniya, sa statistics, nasa 60% mula sa kabuuang bilang ng nagpositibo ang asymptomatic.

Gayunman, ang nasabing porsyento aniya, ay mataas kumpara sa regular na naitalang mual sa 23-25 % na asymptomatic sa mga nakalipas na buwan.

Nasa kabuuang 804 ang nasawi sa lungsod bunga ng virus.

Nasa 28% o  85 mula sa 305 na  total COVID bed capacity sa anim na city-run hospital ang okupado.

Sa naitala naman mula sa mobile clinic na naglilibot sa mga barangay para sa swab tests, 165 katao ang nagpositibo mula sa isinalang na 1,375.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with