^
AstraZeneca vaccine inaasahang darating sa Maynila sa Marso
Pero inamin din ng alkalde na ang ‘worst-case scenario’ sa pagdating ng bakuna ay sa Setyembre na habang ang pinakarealistiko ay sa Hunyo.
AFP/Paul Ellis

AstraZeneca vaccine inaasahang darating sa Maynila sa Marso

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaasa si Manila City Mayor Isko Moreno na darating na sa Marso ang mga inorder nilang AstraZe-neca COVID-19 vaccine upang maagang maumpisahan ang kanilang ‘vaccination program’.

Pero inamin din ng alkalde na ang ‘worst-case scenario’ sa pagdating ng bakuna ay sa Setyembre na habang ang pinakarealistiko ay sa Hunyo.

Nitong nakaraang linggo, naglabas na ng 20 porsyentong downpayment na nagkakahalaga ng P38.4 mil­yon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga bakuna.

Nasa P800,000 doses ng bakuna ang inorder ng lokal na pamahalaan para mabakunahan ang 400,000 Manilenyo.

Ngunit unang iginiit ng alkalde na anuman ang bakuna na unang dumating basta aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) ay handa siyang magpabakuna sa harap ng publiko para mapalakas ang tiwala ng tao.

Kasalukuyang nasa 90,000 residente na ng Maynila ang nagparehistro sa kanilang vaccine program tanda na unti-unting tumataas ang tiwala sa pagpapabakuna.

ASTRAZENECA COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with