^
Tanod at hipag, huli sa P1 milyong shabu
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31, at kanyang bayaw na si Mark John Melejor, 28, tanod, kapwa ng Brgy. San Roque.
STAR/File

Tanod at hipag, huli sa P1 milyong shabu

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang brgy. tanod at kanyang hipag matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust ope­ration ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31, at kanyang bayaw na si Mark John Melejor, 28, tanod, kapwa ng Brgy. San Roque.

Sa report ni Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa Taurus St., Brgy. San Roque.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 147.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang brown paper bag na may standard drug price na P1,003,680.00 at buy-bust money.

Dagdag pa ni Ollaging, ang asawa ni Leongson ay kasalukuyang nakakulong matapos maaresto kamakailan ng mga ope­ratiba rin ng Navotas police sa isang drug operation na naging dahilan upang ipagpatuloy ni Kathrice ang illegal drug trade ng mister kasama ang kanyang bayaw.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with