^
84% ng BFP at BJMP officers gustong magpabakuna
Ito ang inihayag ng Department of Interior and Local Government kasunod ng nalalapit na pag-arangkada ng mass vaccination prog­ram ng gobyerno kontra sa nararanasang pandemya.
KJ Rosales, file

84% ng BFP at BJMP officers gustong magpabakuna

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Majority ng mga opisyales ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ay handang magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng Department of Interior and Local Government kasunod ng nalalapit na pag-arangkada ng mass vaccination prog­ram ng gobyerno kontra sa nararanasang pandemya.

Ayon kay DILG Under­­secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, apat na porsiyento lamang sa buong hanay ng BFP at BJMP officers ang ayaw mabakunahan habang 84% naman ang nais nang magpa­bakuna at 12 porsiyento lamang ang hindi pa sigurado sa ngayon.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng exit poll matapos ang vaccination town hall meeting na ipinatawag ng DILG.

Sabi ni Malaya, ina­asahan na magiging aktibong kabahagi ang BFP at BJMP sa kam­pany­a para mabakunahan ang 75-milyong adult Filipinos sa ating bansa.

BFP BJMP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with