
Mahigpit na crowd control kailangan para maprotektahan ang sibilyan - Mayor Joy
Sa naganap na shootout ng PNP at PDEA
MANILA, Philippines — Pinulong ng Quezon City government ang Quezon City Police District, barangays, QC Department of Public Order and Safety, QCDRRMO at iba pang sangkot na tanggapan para hindi na maulit pa ang naganap na Commonwealth encounter at kung paano mapoprotektahan ang publiko sa ganitong mga pangyayari.
Isa sa pinag-usapan ang tungkol sa kung paano maiiwasang madamay ang mara-ming tao sa isang encounter sites.
Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kailangang magkaroon ng maa-yos na crowd management upang maiwasan na malagay sa peligro ang buhay ng mga sibilyan na nagkataong nasa encounter site.
“Public safety is paramount. We need to reexamine and look for ways to better impose crowd control in dangerous scenarios where stray bullets can hit anyone, or a running gun battle can ensue. We already learned du-ring the Quirino Grandstand hostage crisis that keeping media and civilians a safe distance away from ground zero or an encounter site is very crucial,” pahayag ni Belmonte.
Ipinauubaya na niya anya sa joint inquiry team na madetermina ang mga detalye kung bakit naganap ang barilan sa pagitan ng magkabilang panig.
“This, I believe, calls for a separate investigation by the PLEB la-ter. While there were no civilian casualties, the incident happened in a commercial area and caused undue terror. The incident showed that certain protocols or guidelines could be institutionalized to ensure the safety of our civilian populace in such delicate operations,” dagdag ni Belmonte.
Sinabi ni Mayor Belmonte na pupulungin din niya ang mga business owners na nasa may encounter site upang malaman kung paano makakatulong sa kanila ang lokal na pamahalaan para magbalik ang kumpiyansa ng publiko sa lugar.
- Latest