^

QCPD cops na nasawi sa ‘misencounter’, pinarangalan

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan ng pagkilala ng Kadakilaan ng Quezon City Police District ang dalawa nilang tauhan na napatay sa shootout ng QC police at PDEA sa Commonwealth Avenue noong Miyerkules ng gabi.

Mismong si QCPD Director BGen Danilo Macerin ang nag-abot ng Medalya ng Kadakilaan sa kapatid ng pumanaw na si P/Cpl. Elvin Garado.

Ayon kay Gen. Mace­rin, pagkilala ito sa sakripisyo ni Garado na nagbuwis ng buhay sa pagtupad ng tungkulin.

Si Garado, 36 ay tu­­manggap na rin ng maraming pagkilala tulad ng PNP Commendation Medal, Efficiency Medal, Heroism Medal, Police Relations Medal at PNP Service Medal.

Awardee rin ng iba’t ibang parangal ang isa pang pulis na napatay na si P/Corporal Lauro de Guzman, Jr., 32, kung saan kabilang dito ay ang PNP Commendation Medal, Efficiency Medal, Police Relations Medal, Heroism Medal, Medal of Merit at Service Medal  na  tinanggap ng kaanak nito para sa kanya.

PDEA QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with