^
4 na kinidnap na Chinese nasagip, 11 suspect timbog
Sa report na tinanggap ni PNP chief Gen. Debold Sinas mula kay PNP-AKG Chief, Brig. Gen. Jonel Estomo, nailigtas ang biktimang si alyas Ming na sasailalim sa swab test.
PIO NCRO via Fa

4 na kinidnap na Chinese nasagip, 11 suspect timbog

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine National Police -Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kamakalawa ng gabi  sa magkahiwalay na operas­yon ang pitong kidnap victims na nagresulta sa pagkakaaresto ng 11 kidnaper sa  Pampanga at Quezon City.

Sa report na tinanggap ni PNP chief Gen. Debold Sinas mula kay PNP-AKG Chief, Brig. Gen. Jonel Estomo, nailigtas ang biktimang si alyas Ming  na sasailalim  sa swab test.

Agad na tinungo ng mga tauhan ni Estomo ang  medical diagnostics clinic sa N.S. Amoranto Ave, Quezon City at dinakma sina Liang Kahi, Chean, 28, Malaysian; Mou Yun Peng, 35, Chinese at si Benjie Labor, 43, na isang Filipino.

Dito na binunyag ng biktimang si alyas Ming  na may tatlong biktima pa ang nasa safehouse sa Brgy. Sta. Cruz, Me­xico, Pampanga.

Sinabi ni Estomo na agad na tumulak patu­ngong Pampanga ang mga pulis at nailigtas sina alyas Zhang, Shi, at Wu habang dinakma din ang walong iba pang mga suspect.

Paliwanag ni Sinas, ang rescue operation ay resulta ng koordinasyon ng  PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) and the Anti-Kidnapping Action Committee (AKAC) .

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with