^
Motor Vehicle Testing, hindi na mandatory â LTO
Sa Memorandum Order na pinirmahan ni LTO Chief Edgar Galvante, boluntaryo na lamang ang pagkuha ng vehicle testing sa mga Private Motor Vehicle Inspection Center.
Philstar.com/Irish Lising, file

Motor Vehicle Testing, hindi na mandatory – LTO

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang kaliwa’t kanang panawagan mula sa mga motorista, binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang nauna nitong kautusan na gawing mandatory ang vehicle testing bago mairehistro.

Sa Memorandum Order na pinirmahan ni LTO Chief Edgar Galvante, boluntaryo na lamang ang pagkuha ng vehicle testing sa mga Private Motor Vehicle Inspection Center.

Ibinaba rin ng LTO ang singil sa inspection fee kung saan P300 na lamang sa mga For Hire Vehicles, P500 sa mga motorsiklo at P600 sa iba pang sasakyan.

Hindi na rin private testing centers ang gagawa ng inspection at emission testing bagkus mga empleyado na ng LTO ang gagawa nito.

Una nang ipinanawagan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection at iba pang sektor ang pagbuwag sa MVIS dahil ugat lamang daw ito ng dagdag pahirap sa mga motorista.

LTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with