^

‘Buddy-buddy system’ ipatutupad sa MPD kontra ‘abduction’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ni Manila Police District (MPD) Director BGen. Leo Francisco sa kaniyang mga tauhan na magpatupad ng ‘buddy-buddy system’ para pa­ngontra sa mga armadong grupo na halos magkasunod na dumukot sa dalawang pulis sa lungsod.

“Ang ginawa ko sa MPD ay kinausap ang lahat ng kasama sa kapulisan at pinaalalahanan na sa kanilang araw-araw na gawain na kailangan sila ay mag-buddy-buddy system,” ayon kay Francisco.

Sinabi ng heneral na kasalukuyan nilang pinag-aaralan ngayon kung may kaugnayan ang ginawang pagdukot kay PCpl. Allan Hilario ng Meisic Police Station 11 nitong Pebrero 18 at kay Patrolman  Real Lopez Tesoro, dating nakatalaga sa Jose Abad Santos Police Station, nito namang Pebrero 23.

“Pinag-aaralan namin kung itong dalawang cases ng abduction dito sa Manila ay may relasyon. Kung titignan mo talaga, ito ay planado, halos parehas ‘yung kanilang modus operandi,” ayon kay Francisco.

Hindi naman umano masasabi kung buhay pa o nasa labas ng Metro Manila ang dalawa dahil sa parehong wala pang natatanggap na tawag buhat sa mga dumukot ang pamilya ng dalawang pulis.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with