^

Metro

Patay sa PDEA-PNP drug shootout sa Commonwealth umakyat sa 4

Philstar.com
Patay sa PDEA-PNP drug shootout sa Commonwealth umakyat sa 4
Makikitang nakadapa sa litrato ang mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makaputukan ang ilang miyembro ng QCPD, ika-24 ng Pebrero, 2021
Released/PNP PIO

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang ng mga napatay sa barilan ng dalawang panig ng gobyernong parehong tumutugis sa iligal na droga, pagkukumpirma ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Huwebes.

Miyerkules kasi nang magkabarilan malapit sa Ever Gotesco mall, Quezon City ang dalawang panig ng gobyerno, dahilan para mamatay ang dalawang pulis, isang PDEA agent at isang drug informant.

Nadoble ang unang naibalitang death toll kahapon na dalawang miyembro lang kapulisan.

'Yan ang ibinahagi nina PNP chief Gen. Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva sa isang press briefing, habang nangangakong may mapaparusahan sa insidente.

Basahin: Joint PNP-PDEA inquiry, separate NBI probe into Commonwealth shootout

Kaugnay na balita: Cops vs PDEA: Shootout near mall leaves 2 dead

"What we can tell you is that both the PDEA and PNP were conducting legitimate [anti-drug] operations... both of them were doing their jobs," ani Villanueva.

"So that's what we're working on. Right now, it's too raw for us to be making a statement. Right now, we are mourning." 

Tinitiyak pa raw nila ang mga detalye kung bakit nagkasalpukan ang dalawang grupo ng pamahalaan sa "parehong lehitimong operasyon," habang tinitignan ang posibilidad ng mga pagbabago sa koordinasyon ng dalawang ahensya.

Ayaw pa naman tukuyin sa ngayon nina Sinas at Villanueva kung sino ang totoong target ng anti-drug operations, o kung iisa nga lang ba ang kanilang huhulihing katransaksyon noong gabing 'yon.

Sa isang dokumento na nakuha ng GMA News, una nang sinabi na nakipag-ugnayan ang Quezon City Police District (QCPD) sa PDEA bago ikinasa ang kanilang buy-bust operation.

"Isa po sa mga mga agreement namin ng director ng PDEA is we will find out what really happened," tugon naman ni Sinas sa malagim na insidente.

"Kung sino po talaga ang may sala, whether it's PNP or PDEA we will file a case against them, and if evidence warrants, we'll go for it. Wala po kaming ico-cover dito at walang pagtatakpan."

Tinitignan ngayon ng PDEA ang posibilidad kung pareho silang "napaglaruan" ng sindikato ng PNP. Nangangalap pa rin naman daw sila aniya ng sapat na CCTV footage habang isinasantabi ang mga naunang spot report para na rin daw mapagtagpo ang dalawang magkaibang naratibo ng dalawang grupo.

Basahin: PDEA and PNP scrap 'misencounter' tag on Commonwealth shootout, will wait for probe findings

Nangyari ang putukan sa gitna ng madugong "war on drugs" ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan libu-libo na ang namatay.

PDEA: 'Walang sell-bust'

Una nang sinabi ni Police Brig. Gen. Vicente Danao na posibleng anggulo ang "sell-bust" kung bakit nagkabarilan. Ang sell-bust ay ang aktong pagkukunwari ng gobyerno bilang tulak ng droga para makahuli ng mga customer.

Sa kabila nito, naninindigan si Villanueva na walang sell-bust operation dahil ipinagbabawal daw ito ng batas.

"Hindi ligal 'yan. Ligal lang sa anti-illegal drug operation is buy-bust," galit na tugon ng PDEA official sa media.

"Illegal ang sell-bust."

Kanina lang nang kundenahin ng Bayan Muna party-list ang naturang insidente, bagay na nagpapakita raw na "hindi sumusunod" ang PNP at PDea sa sarili nilang mga procedures.

"There is more to this bloody incident than meets the eye. This corroborated what we have unearthed back in 2019 about how  standard operating procedure in drug operations are wantonly disregarded by police operatives," ani Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna).

"While we expect that heads should roll for this bungled incident, Congress should also dig deeper into this continuing wanton disregard and failure of law enforcement agencies and personnel to observe protocols and legal procedures that, as a result, clearly undermines accountability mechanisms in the anti-criminality and anti-drug campaigns."  — James Relativo

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with