^

Metro

Pag-‘divert’ ng suplay ng baboy na para sa Metro Manila, pinaiimbestigahan ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pag-�divert� ng suplay ng baboy na para sa Metro Manila, pinaiimbestigahan ng DA
Tinutukan ng Dept. of Agriculture ‘Bantay Presyo’ sa pangu­nguna ni national coordinator Jerry Pelayo sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang mga pampublikong pamilihan para imonitor kung nasusunod ang price ceiling sa mga karne ng baboy at manok.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na pananagutin at sasampahan ng kaso ang mga trader na nasa likod ng paglihis sa ibang rehiyon ng mga baboy na ginastusan para madala sa Metro Manila.

Ito ang pahayag ng DA matapos matuklasan na sa Central at Northern Luzon na-divert ang dapat sana ay suplay ng baboy na nakalaan na sa NCR.

Sa report ng QC LGU, 16 lamang mula sa 80 baboy ang nakarating sa Murphy Market sa Cubao nitong nakalipas na araw.

P21 per kilo naman ng baboy ang ibinibigay ng DA bilang transport subsidy sa mga hog traders na galing ng Visayas at Mindanao para mapababa ang presyo nito sa mga pamilihan sa NCR.

Ayon sa DA, dahil sa panlolokong ito, tumaas ang halaga ng kuha ng mga vendors ng panindang karne at mataas pa rin ang presyo nito sa mga pamilihan.

Dahil dito, isang pagpupulong ang isasagawa ng DA sa pagitan ng mga market administrators at LGU sa Metro Manila para tiyaking mapupunta sa tama ang ginastusang suplay na galing ng Visayas at Mindanao.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

PORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with