^

Metro

Navotas City Hall ni-lockdown, 24 kawani nagpositibo sa COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naka-lockdown simula pa Martes ng gabi ang Navotas City Hall matapos magpositibo ang 24 kawani nito sa COVID-19.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco ang lockdown ay batay sa rekomendasyon ng City Epidemio­logy and Surveillance Unit at tatagal hanggang sa Linggo Pebrero 28.

Kabilang sa naka-lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Proces­sing Unit kaya nangangahulugan na pansamantalang tigil ang transaksyon sa city hall tulad ng application/renewal ng business permit at pagbabayad ng amilyar, pati na ang pagkuha ng plaka ng mga tricycle at PUJ.

Gayunman, papasok pa rin ang ilang mga kawani upang ayusin ang suweldo ng mga empleyado, gawin ang mga proseso para sa pagbili ng mga kailangan para sa COVID-19 response, at pag-responde sa anumang emergency.

“Sa mga may babayaran na ang deadline ay sa 28 Pebrero 2021, ‘wag po kayong mag-alala. Hihilingin po natin sa Sanggunian na magpasa ng ordinansa ng extension ng pagbabayad hanggang 5 Marso 2021 nang walang pe­nalty at surcharge” ani Tiangco.

Unang inanunsyo na may mga kawani ng pamahalaang lungsod na nagpositibo sa COVID-19. Pina-isolate agad sila at pina-swab test ang kanilang close contacts.

Sumailalim din sa swab test ang lahat ng mga em­pleyado ng city hall, kahit hindi sila close contact at nagsagawa rin ng general cleaning at disinfection.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with