^

Metro

3 kalaboso sa shabu at boga sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang tatlo katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.

Dakong alas-10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander P/Lt. Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibiduwal na nagsasagawa ng illegal drug transaksyon sa kahabaan ng Diwa St.  Sa Brgy. 59.

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang naturang grupo na nagtatransaksyon ng ilegal na droga subalit, nang mapansin sila ay mabilis na nagtakbuhan .

Gayunman, nagawang maaresto ng mga pulis si Orlando Topacio, 40  at John Michael Cangas, 18 kung saan  nakum­piska sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.05 gramo ng   shabu na tinatayang nasa P20,740 ang halaga.

Nauna rito, dakong alas-3:30 ng hapon nang ipatupad ng mga tauhan ng Caloocan Amparo Police Sub-Station sa pangunguna ni PCpt. Jansen Ohrelle Tiglao ang search warrant   na inisyu ni Hon. Raymundo G. Vallega , Executive Judge ng Branch 139 Regional Trial Court Caloocan City para sa paglabag sa R.A 10591 sa Blk 18 Lot 8&9 Miramonte Park Subdivision Brgy. 180 na nagresulta sa pagkakaaresto kay George Adalem Gonzales, 44.

Narekober sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala at 45 caliber pistol na may isang magazine at kargado ng limang bala.

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with