^
Claimant ng parcel ng ecstasy, huli
Kinilala ni Port of NAIA Customs District Collector Mimel Talusan, ang suspect na isang alyas Ronron Salonga ng Port Area, Maynila, na nahuli mismo sa Central Post ­Office habang kukunin ang mga paketeng may lamang droga.
Philstar.com/File

Claimant ng parcel ng ecstasy, huli

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Timbog ng mga narcotics agents ng Bureau of Customs Port of NAIA sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng controlled delivery operation sa Manila Central Post Office, ang claimant ng isang parcel na naglalaman ng 2,878 tablets ng ecstasy o party drugs na may street value na P4,892,600.

Kinilala ni Port of NAIA Customs District Collector Mimel Talusan, ang suspect na isang alyas Ronron Salonga ng Port Area, Maynila, na nahuli mismo  sa Central Post ­Office habang kukunin ang mga paketeng may lamang droga.

Ayon kay Talusan, ang pakete ay idineklarang  may laman na dalawang  damit ng babae, 1 damit ng bata, isang pares ng sapatos na ipinadala ng isang  Mary Lumbao Edward mula Netherlands, at consigned sa isang residente sa Malate, Maynila.

Sa karagdagang pag-profiling at pagsusuri sa nakatalagang NAIA Customs Examiner at K-9  natuklasan na may 12 pack ng mga ecstasy tablet na may kulay berde at ginto ang itinago sa loob  ng kahon. 

Ipinasuri ng BOC sa PDEA chemical laboratory ang mga nadiskubreng mga droga at ang mga tableta  ay nagpositibo bilang ecstasy.

Ang claimant ng ilegal na droga ay nasa kustodiya na ng PDEA, para sa masusing imbestigasyon ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) na may kaugnayan sa Seksyon 118 (Ipinagbabawal na Pag-import), Seksyon 1113 (Pananagutan para sa Goods Seizure and Forfeiture) at Seksyon 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act 10863.

 

ECSTASY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with