^

9 huli sa iligal na droga sa Maynila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot sa siyam na indibiduwal ang luma-gapak sa mga kulungan ng Manila Police District (MPD) makaraang madakip sa magkakahiwalay na anti-drug operation kamakalawa.

Sa ulat ng Ermita Police Station 5, dakong ala-1 nitong Linggo ng gabi nang madakip sa kanto ng Quirino Ave­nue at Mataas na Lupa St., sa Malate ang mga suspek na kinabibilangan ng magkakapatid na sina Elmer, 52; Edmund, 50; at Edzel Canete, 46; Maricar Buenaventura, 32; Alma Mendoza, 32; at Flordeliza Hernandez, 29.

Nakumpiska sa ka­ni­la ang walong plastic sachet na naglalaman ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at dalawang P100 marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Nadakip naman ng mga tauhan ng Sampaloc Police Station 4 sa Domingo Santiago Street, Brgy. 576 Sampaloc dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon, ang mga suspek na sina Carlo Dela Cruz, 22 at Marvin Herrera, alyas Bading, 23-anyos.

Tatlong plastic sachet na may pitong gramo ng shabu na may halagang P47,600 ang nakumpiska sa kanila maging ang isang P500 bill na ginamit na marked money.

Nadakip din ng mga tauhan ng Moriones Police Station 2 dakong alas-6:30 ng gabi sa may Sta. Margarita Street sa Brgy. 14 Zone 2 Tondo ang suspek na si Mauricio Magtuloy, 50, isang matansero.

Nabatid na isinuplong ang suspek ng kaniyang mga kapitbahay dahil sa talamak na pagtutulak ng droga. Nakumpiska sa kaniya ang dalawang maliit na plastic sachet na naglalaman ng .30 gramo ng shabu na may halagang P2,500.

DROGA MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with