^
Christine Dacera, âdi pinatay-PNP
Ito ang binigyan diin ng Philippine National Police (PNP) batay na rin sa lumabas na resulta ng medico legal noong Enero 11 kasabay nang pagbasura sa unang ulat na biktima nang pagpatay ang nasabing flight attendant noong Enero 1, 2021.
Instagram/xtinedacera

Christine Dacera, ‘di pinatay-PNP

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

Pagkasawi dahil sa natural cause

MANILA, Philippines — Hindi pinatay, kundi natural cause ang sanhi nang pagkasawi ng flight attendent na si Christine Dacera.

Ito ang  binigyan diin ng Philippine National Police (PNP) batay na rin sa lumabas na resulta ng medico legal noong Enero 11 kasabay nang pagbasura sa unang ulat na biktima nang pagpatay ang nasabing flight attendant noong Enero 1, 2021.

Ayon kay medico legal officer Police Lt. Col. Joseph Palmero, nakasaad sa report na namatay si Dacera sa ruptured aortic aneurysm, na isang medical condition. Naubusan ng dugo si Da­cera dahil sa pagputok ng ugat nito.

“Manner of death as homicide is ruled out in Da­cera’s case because the aortic aneurysm is considered a medical condition. Rape and/or drug overdose will not result to the development of aneurysms,” nakasaad sa medico-legal report ni Palmero.

Lumaki umano ang puso nito na tumimbang ng may 500 grams samantalang 300 grams ang normal na timbang ng puso.

Dahil dito maituturing na ikinasawi si Dacera ng natural death.

Lumilitaw sa report na walang anumang party drugs na ininom si Dacera nang makipagparty ito sa kanyang mga kaibigan sa City Garden Grand Hotel sa Makati City ang magi­ging sanhi sa kanyang pagkamatay.

Dagdag pa ni Palmero, nakakaramdam na umano si Dacera ng dilatation na isang chronic condition noong buhay pa ito. Kung hindi aniya namatay sa ­aneurysm si Dacera po­sibleng pagtaas ng blood pressure ang maging dahilan ng aneurysm.

Una nang kinasuhan ng rape with homicide ang mga kaibigan ni Dacera na kanyang nakasama sa New Years Eve celebration.

Todo tanggi ang mga ito sa pagsasabing kapatid ang turing nila kay Dacera at hindi nila kaya ang mga akusasyon sa kanila.

CHRISTINE DACERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with