^

10 iskul sa Mandaluyong, gagamiting vaccination centers

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 10 paaralan ang inilaang vaccination centers sa Mandaluyong City kung saan maaaring magpabakuna ang mga residente laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inianunsiyo kahapon ng Mandaluyong City go­vernment, kasabay nang pagdaraos nila ng dry run para sa ikakasang vaccination program sa lungsod.

Binisita na ni Mandaluyong Public Information Officer Marvin Capco ang naturang paaralan kasama ang mga lokal na health official.

Ayon sa mga opisyal, mayroong anim na hakbang na proseso na susundin ang mga residente sa pagpapabakuna at inaasahang tatagal lamang ito ng 12 hanggang 15 minuto.

Sinabi ni Mandaluyong City Health Officer Alex Santa Maria na para sa mga nagpa-preregister sa pagbabakuna, kailangan lamang pumunta sa designated vaccination center sa ibinigay na schedule sa kanila.

Pagdating sa registration area ay kinakailangan silang magpakita ng kanilang mga identification card at QR code.

Matapos magparehistro ay bibigyan ang mga magpapabakuna ng vaccination card at consent form, bago sila sumailalim sa briefing tungkol sa bakuna at counseling.

Kailangan din munang sumailalim sa physical checkup ang tatanggap ng bakuna para matiyak na malakas ang pangangatawan nila para sa bakuna. Matapos namang mabakunahan, mananatili muna ang mga residente sa observation area sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras para mamonitor sila ng mga medical personnel.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with