^

Mas nakararaming taga-Quezon City, gustong magpabakuna – survey

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim sa sampung taga- Quezon City ang nais sumailalim sa pagbabakuna sakaling umarangkada na ang mass vaccination laban sa COVID-19.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon na may 57.6 % ng mga residente nito ang handang magpabakuna.

Habang nasa 9.1% naman ang ayaw magpabakuna dahil takot sa maaaring maging epekto nito at ang 33.3% naman ang hindi tiyak sa kanilang sagot kung magpapabakuna o hindi.

Ayon kay QC Administrator Michael Alimurong, 44,000 ng mga residente na kumuha ng QCitizen ID ang sumagot ng yes matapos tanungin kung nais ba nilang magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Samantala, plano na ng Quezon City government na bumaba sa mga barangay upang personal na tanungin sa kanilang desisyon kaugnay ng pagpapabakuna. Umapela naman si QC Mayor Joy Belmonte sa mga nais magpabakuna na maaari silang mag-apply sa e-portal ng QC para makakuha ng QC ID.

BAKUNA COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with