^

Pag-salvage sa isang lalaki, nasapul sa CCTV

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakuhaan ng video foo­tage ng isang ‘closed circuit television (CCTV)’ ang pagbaril at pag-iwan ng mga hindi nakilalang salarin sa isang lalaki na sinabitan ng karatula na nagsasabing isa siyang holdaper, Martes ng madaling araw sa Paco, Maynila.

Blangko pa ang Manila Police District-Homicide Section sa pagkakakilanlan sa biktima na nakasuot ng pulang t-shirt at puting shorts.

Naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa kahabaan ng Leon Guinto sa Brgy. 692, Paco.

Sa kuha ng CCTV, isang puting L-300 passenger van ang huminto sa kalsada. Isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket, at asul na short ang lumabas at hinila palabas ang walang malay na biktima habang isa pang lalaki ang umaalalay sa loob.

Bago tuluyang iwan, ilang beses na pinaputukan ng baril ng mga salarin ang biktima.Dito naalarma ang mga tauhan ng barangay na rumesponde sa lugar kasunod ang mga tauhan ng pulisya ngunit bigo na mahanap pa ang mga salarin.

Iniwan na nakapatong sa katawan ng biktima ang isang karton na may nakasulat na: “wag tularan, basag-kotse at holdaper ako. Susunod na kayo.”

Sinabi ni MPD-Homicide Section chief, Police Capt Henry Navarro na buhay pa ang biktima nang ibaba sa van. May senyales din na labis siyang pinahirapan ng mga salarin. Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala ng kalibre .45 baril.

PATAY SALVAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with