^
Metro Manila mayors pabor sa pananatili ng GCQ
Ito’y sa gitna pa rin nang nananatiling banta ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at lalo na ngayong nakapasok na rin sa bansa ang UK variant ng virus na higit umanong mas nakahahawa.
AFP/Ted Aljibe

Metro Manila mayors pabor sa pananatili ng GCQ

Mer Layson, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

Hangga’t wala pa ang bakuna

MANILA, Philippines — Pabor ang halos lahat ng alkalde  sa Metro Manila na mapanatili pa ang umiiral na general community quarantine   at huwag munang ibaba ito sa modified GCQ.

Ito’y sa gitna pa rin nang nananatiling banta ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at lalo na ngayong nakapasok na rin sa bansa ang UK variant ng virus na higit umanong mas nakahahawa.

Nagkakaisa sa pangamba ang mga alkalde na kung paluluwagin na ang quarantine status sa Metro Manila ay mas darami pa ang mga residente na mahahawahan ng sakit.

Pabor din silang makapagbakuna na muna ng mga mamamayan laban sa COVID-19 bago maglabas ng desisyon sa pagpapaluwag ng quarantine status at age restrictions.

“Itong atin pong binabantayan ngayon itong ating new variant eh, alam naman natin sa ibang probinsiya, mayroon nitong UK variant na bago. Hindi pa tayo puwedeng magluwag talaga, lalo na sa ating age bracket,” ayon kay Metro Manila Council chairman at Pa­rañaque Mayor Edwin Olivarez.

Sa panig naman ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, sinabi nito na ang desisyon kung luluwagan na ang quarantine status ay base dapat sa scientific data.

Ayon kay Teodoro, kailangang malinaw ang data hinggil sa bagay na ito at hindi maaaring speculative lamang.

Ayon naman kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nais muna niyang manatili ang Metro Manila sa GCQ lalo na at tumaas aniya ang COVID-19 cases dahil sa katatapos na holiday season.

“Mas gusto ko po sana manatili tayo sa GCQ lalo na’t galing tayo sa Kapaskuhan kung saan naranasan natin ang kaunting pagtaas... very very minimal ngunit tumaas pa rin,” aniya. “Darating na rin naman ho ‘yung bakuna, huwag ho sana tayong magmadali... Napakahirap lalo na ‘pag nagkaroon ng tinatawag na second spike o pagtaas muli.”

Para naman kay Navotas City Mayor Toby Tiangco­, dapat na balansehin ang kaligtasan ng publiko at ng economic concerns at umaasa siyang matutugunan nila ang isyu sa gagawing pulong nang hindi nakukompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente.

Sinabi naman ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na ipinapayo ng mga doktor sa kanilang nasasakupan na mapanatili muna ang GCQ sa lungsod dahil nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng sakit noong holiday season.

Maging si Caloocan City Mayor Oscar Mala­pitan naman ay mas nais ang GCQ para sa kaligtasan ng mga residente sa kanilang lungsod.

Sa panig naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto, bagama’t tumaas ang COVID-19 cases sa lungsod nitong Kapaskuhan ay ‘mana­geable’ pa rin aniya ang sitwasyon.

Halos ganito rin ang pananaw ng iba pang alkalde, ayon kay ­Olivarez.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with