^
Residente ng Valenzuela pinagpaparehistro para sa bakuna
Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, ay kailangang mag-register.
AFP/Yaksin Akgul

Residente ng Valenzuela pinagpaparehistro para sa bakuna

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano.”

Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net  at i-click ang “Vaccination Registration” button.  Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, ay kailangang mag-register.

Dapat na masagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang government -issued ID.

Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and Data Privacy Consent” at i-click ang “Submit.”

Susuriin ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang aplikasyon at tatawag o magpapadala ng email upang ipaalam ang iskedyul at lugar ng pagpapabakuna.

Nasa 18 taong gulang pataas lamang ang maaaring bigyan ng bakuna.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with