^
Sapat na impormasyon sa bakuna, giit ng DILG sa LGUs
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing , ang publiko ay dapat na may sapat na impormasyon at kaalaman hinggil sa COVID-19 vaccines upang mahikayat silang magpaturok ng bakuna.
STAR/ File

Sapat na impormasyon sa bakuna, giit ng DILG sa LGUs

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing ang mga local government units (LGUs) na bigyan ng sapat na kaalaman ang kanilang mga constituents hinggil sa bakuna sa COVID-19.

Ayon kay Densing,  ang publiko ay dapat na may sapat na impormasyon at kaalaman hinggil sa COVID-19 vaccines upang mahikayat silang magpaturok ng bakuna.

“Kailangan mapaliwanag po nila ito nang mabuti, maintindihan ng mga kababayan at importante po rito magkaroon sila ng kumpiyansa sa vaccines that we are bringing in,” ani Densing, sa idinaos na CODE Team Visit sa Pasig City kahapon.

Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon ay talamak ang ‘misinformation’ hinggil sa COVID-19 vaccine kaya’t maraming tao ang nagdadalawang-isip na magpabakuna.

Nanindigan naman si Densing na walang puwang para sa pagkakamali sa vaccination program ng pamahalaan dahil ito ang pinakamahalagang pamamaraan na maaaring isagawa upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.

“Right now, marami hong fake news na lumalabas at ‘pag ‘di natin ‘to na-verify at na-explain sa ating kababayan, maaaring mawalan ng kumpiyansa ang ating mga kababayan,” paliwanag pa ng opisyal.

Ang COVID-19 vaccines ay inaasahang darating na sa bansa sa susunod na buwan.

Ngayon pa lamang naman ay puspusan na ang paghahandang isinasagawa ng pamahalaan para matiyak na magiging matagumpay ang naturang aktibidad.

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with