^

Saliva COVID-19 test, pwedeng gamitin sa pag-travel, Bar exam

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine Red Cross (PRC) chairman at CEO, Senator Richard Gordon na maaari nang gamitin ang resulta ng mas mura at non-invasive na saliva COVID-19 test ng mga taong nais bumiyahe, kukuha ng Bar exams, mga estudyanteng magbabalik-eskwela at mga manggagawang magbabalik-trabaho.

Ayon kay Gordon, pinayagan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ipinaliwanag ni Gordon na mayroon rin namang polymerase chain reaction (PRC) ang saliva test at ang resulta nito ay halos kasing accurate rin ng gold standard na swab test.

Base aniya sa isinagawa nilang pag-aaral, kung ang swab test ay mayroong 99% accuracy rate, ang saliva test ay mayroon namang 98% accuracy rate.

“Pinayagan na ‘yan ng DOH, pati sa airport payag na lahat d’yan (saliva test). May PCR ‘yan, hindi nawala ang PCR. We cannot do it without the PCR. Otherwise you’ll have bad results,” aniya, sa panayam sa telebisyon. “It’s almost equally accurate as the gold stan­dard. (RT-)PCR is still the gold standard, that’s why we’re not letting it go. In our test we had about 99 percent (accuracy) sa (RT-)PCR, 98 percent sa saliva.”

Kaugnay nito, sinabi rin ng PRC chief na dapat na isama ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang coverage ang saliva test.

CEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with