^

Public schools sa Pasig, gagamiting COVID-19 vaccination centers

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Pasig City government na gamitin ang mga pampublikong paaralan sa lungsod bilang vaccination centers sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa idinaos na CO­VID-19 CODE Team visit sa Pasig nitong Martes, ipinaliwanag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na malalaki ang mga public schools at mas madaling maipatutupad dito ang mga health protocols na kakailanganin upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, kabilang na ang physical distan­cing, bukod pa sa maayos ang bentilasyon doon.

Ayon pa sa alkalde, magpapaalam naman sila sa Department of Education (DepEd) bago tuluyang gamitin ang mga paaralan na vaccination centers.

Kasabay nito, tiniyak ni Sotto na boluntaryo lamang at hindi nila pi­pilitin ang mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19.

Gayunman, hinihikayat aniya nila ang lahat ng mga mamamayan na magpabakuna upang maiwasan na ang pagkalat ng virus.

Pinayuhan din niya ang publiko na magkaroon ng kumpiyansa sa bakuna, dahil aprubado naman ito ng Food and Drug Administration (FDA), kaya’t makatitiyak aniyang mabisa at ligtas ito.

Nabatid na sa kasalukuyan, ang Pasig City ay nakapagtala na ng 10,231 COVID-19 cases, kabilang ang 9,621 recoveries at 415 naman ang sinawimpalad na binawian ng buhay.

Minomonitor na lamang aniya nila sa ngayon ang 195 pang aktibong kaso ng sakit sa lungsod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with