^
Metro Manila mayors tutol sa pagpapalabas sa 10-anyos
Nakatakda namang magkaroon muli ng pulong ang MMC ngayong Martes para pagdesisyunan kung irerekomenda nila na ibaba na sa MGCQ ang klasipikasyon ng Kamaynilaan at pinal na madesisyunan ang tungkol sa mga bata.
AFP/Ted Aljibe

Metro Manila mayors tutol sa pagpapalabas sa 10-anyos

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tutol ang karamihan ng mga mayor sa Metro Manila sa pagpapaluwag sa age restrictions partikular ang pagpayag sa 10-anyos na makalabas na ng bahay.

Sinabi ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ito ang resulta ng pagpupulong na ginawa nila makaraan na payagan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na makalabas na sa bahay ang mga bata na may edad-10 pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng klasipikasyon na ‘modified general community quarantine (MGCQ)’.

Nasa ilalim pa rin ang Metro Manila ng ‘ge­neral community qua­rantine (GCQ)’ bagama’t hinayaan ng IATF ang mga Metro Mayors na magdesisyon kung gagayahin ito.

“Dun po sa amin pong consensus sa isang meeting po namin, halos lahat po kami ay hindi po sumasang-ayon ‘yung relaxing this age bracket,” ayon kay Olivarez sa panayam ng ANC sa telebisyon.

Ito ay ibinase rin ng mga alkalde sa payo ng mga pediatrician na huwag munang ibaba ang ‘age bracket’ ng mga pinapayagang lumabas.  Nakadagdag pa sa desisyon ng mga alkalde ang pagkakaroon na ng bansa ng UK variant ng COVID-19 na mas nakahahawa.

“Yung paglabas nang leisure sa mall, tingin ko po, itong meron tayong UK na variant, until now, wala pang vaccine, personally and through the recommendation of our local task force, hindi po dapat payagan ‘yung 10 years old, ‘yung pag-adjust ng ating age bracket,” dagdag ng alkalde.

Nakatakda namang magkaroon muli ng pulong ang MMC ngayong Martes para pagdesisyunan kung irerekomenda nila na ibaba na sa MGCQ ang klasipikasyon ng Kamaynilaan at pinal na madesisyunan ang tungkol sa mga bata.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with