^
Molecular labs ng PRC sa Metro Manila, kayang magproseso ng hanggang 8K saliva COVID-19 tests, kada araw
Ayon kay Ubial, sa ngayon ay sa kanilang mga laboratoryo pa lamang sa Mandaluyong at sa Port Area, Manila avai­lable ang saliva tests, kung saan kaya aniya nilang iproseso ang hanggang 8,000 saliva samples.
The STAR/Walter Bollozos, file

Molecular labs ng PRC sa Metro Manila, kayang magproseso ng hanggang 8K saliva COVID-19 tests, kada araw

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa hanggang 8,000 saliva COVID-19 tests ang kayang ipro­seso kada araw ng mga molecular laboratories ng Philippine Red Cross (PRC) sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni dating Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC molecular laboratories, kasabay nang pagsisimula na kahapon nang paggamit nila ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Ubial, sa ngayon ay sa kanilang mga laboratoryo pa lamang sa Mandaluyong at sa Port Area, Manila avai­lable ang saliva tests, kung saan kaya aniya nilang iproseso ang hanggang 8,000 saliva samples.

Gayunman, mada­ragdagan pa aniya ang kanilang kapasidad sa susunod na buwan dahil dadalhin din nila ang saliva COVID-19 testing sa mga probinsiya.

Sinabi ni Ubial na mayroon silang 10 laboratoryo sa mga lalawigan at inaasahan aniya nilang makakaya doong magproseso ng hanggang 22,000 saliva tests araw-araw.

Dahil dito, tinata­yang aabot sa kabuuang 30,000 saliva tests ang kaya nilang isagawa simula sa buwan ng Pebrero.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay una nang inaprubahan ng DOH ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng COVID-19 tests.

Bukod sa mas mura ito dahil P2,000 lamang ang presyo nito, na higit na mas mura sa gold standard na swab test, ay accurate rin ang naturang testing na umaabot umano sa 98% ang accuracy rate.

Less invasive rin ito dahil kinakailangan lamang ng isang magpapasuri na dumura sa isang sterile vial upang masuri ang kanyang laway.

Mas mabilis din ang paglalabas ng resulta ng pagsusuri na inaasahang aabutin lamang ng hanggang tatlong oras.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with