^

5 miyembro ng clearing team ng Parañaque, papanagutin

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

Sa pananakit sa vendor

MANILA, Philippines — Nasa ‘hot water’ ngayon ang limang miyembro ng Parañaque City Task Force na nahuli sa camera na nagtulung-tulong na saktan ang isang lalaking vendor dahil sa bukod sa pagkasuspinde, maaari rin silang maharap ngayon sa kasong administratibo.

Naniniwala si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na nagkaroon ng sobrang puwersa at pag-abuso sa kanilang awtoridad sa ginawa ng mga tauhan ng task force sa vendor na si Warren Villanueva.  

Nitong Linggo, ipinag-utos na ni Olivarez ang suspensyon sa limang sangkot sa insidente at pagkakasa ng mahigpit na imbestigasyon.  

“Hindi lang po termination, kundi magkakaroon po sila ng administrative case na ipa-file ng ating city,” ayon kay Olivarez.

Makaraang mapanood ang video na pinadapa sa kalsada ang biktima ng limang lalaki, pinosasan habang may isa pa na sumingit ng tadyak, sinabi ni Olivarez na hindi talaga tama ang ginawa ng kaniyang mga tauhan at hindi niya kukunsintihin.  Hindi umano nasunod ang protocols at ang bilin niya na ‘maximum tolerance’.

Kita rin sa video na nakikipag-agawan si Villanueva sa mga miyembro ng task force sa kaniyang kariton na gawa sa bakal.  Kinalaunan, napilitan si Villanueva na siya pa mismo ang humingi ng dispensa sa mga tauhan ng task force upang hindi ituloy ang pagsasampa ng kaso sa kaniya.

VENDOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with