^
2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril
Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang Emerald station na matatagpuan sa tapat ng Robinsons Metro East at Sta. Lucia sa Cainta at Masinag station, na nasa Masinag Junction sa Antipolo City.
Martin Demo/CC BY-NC-ND/Philstar.com/File

2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na magiging ­operational na ang da­lawa pang karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 na magpapalawak sa operasyon ng rail line sa lalawigan ng Rizal ngayong ?Abril 26, 2021.

Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang Emerald station na matatagpuan sa tapat ng Robinsons Metro East at Sta. Lucia sa Cainta at Masinag station, na nasa Masinag Junction sa Antipolo City.

“?April 26 gumagana na ‘yung dalawang stations,” ani Cabrera.

Sinabi ni Cabrera na sa sandaling makumpleto na ang konstruksiyon ng P2.27-bilyong LRT-2 East Extension project ay mababawasan na ang travel time o oras ng biyahe mula sa Recto station sa Manila hanggang sa Masinag ng hanggang 40 minuto, mula sa dating tatlong oras kung sasakay ng bus o jeepney.

Nabatid na idini­senyo ang dalawang bagong istasyon upang ma-accommodate ang karagdagang 80,000 pasahero araw-araw sa unang limang taong operasyon nito.

Malaking dagdag ito sa kasalukuyang LRT-2 average daily ridership na 240,000.

Nito lamang Biyernes, balik-operasyon na ang tatlong istasyon ng LRT-2, na kinabibilangan ng Santolan, Katipunan at Anonas Station.

Ang mga naturang istasyon ay pansamantalang isinara noong Oktubre 2019 matapos ang isang sunog na tumupok sa power rectifier nito, na siyang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren.

Sa kasalukuyan, ang LRT-2 ang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila at Santolan, Pasig City.

LRT2
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with