^
Tricycle balik operasyon sa Navotas at Malabon
Ito ang ipinabatid ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel matapos na magpirmahan ng memorandum of agreement (MOA) sina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle drivers sa kani-kanilang mga ruta.
Michael Varcas, file

Tricycle balik operasyon sa Navotas at Malabon

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik operasyon na ang mga tricycle sa Navotas at Malabon matapos ang matagal na pagbabawal sa mga ito dahil sa banta ng COVID-19.

Ito ang ipinabatid ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel  matapos na magpirmahan ng memorandum of agreement (MOA) sina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle drivers sa kani-kanilang mga ruta.

Ayon sa kongresista, sadyang naapektuhan ang napakaraming tricycle drivers at maging ang mga commuters nang ipagbawal ang pamama­sada ng mga ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Aniya, maraming residente sa Novatas ang nagtatrabaho sa Malabon gayundin ang Malabon sa Navotas na sumasakay ng tricycle.

Pagkakataon na rin ito sa mga tricycle drivers na muling ibalik ang kanilang kabuhayan. Subalit ayon kay Noel, kailangan na sumunod sa batas ang mga drivers upang maiwasan ang anumang mga aberya at gulo na posibleng magtanggalan ng kanilang mga permit.

Sa ilalim ng MOA, mahalagang may permit at sticker ng magkabilang lungsod ang mga pampa­sadang tricycle units upang maayos silang makabiyahe.

TRICYCLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with