^
Pekeng MTPB enforcer na nangongotong sa R-10, timbog!
Iniharap ni Manila Mayor Isko Moreno ang pekeng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer na naaresto dahil sa umano’y pangongotong sa R-10, Tondo, Maynila.
Edd Gumban

Pekeng MTPB enforcer na nangongotong sa R-10, timbog!

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiningi ni Manila Mayor Isko Moreno ang pakikipagtulungan ng mga may-ari ng truck at drayber ng mga pampasaherong dyip na tuluyang kasuhan ang pekeng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer na naaresto sa pangongotong sa R-10, Tondo, Maynila.

Sa kaniyang live broadcast, sinabi ni Yorme na ang suspek na si Mark Buzeta y Arquero, 34, ng No. 311 Inocencio St., Tondo, Maynila, ay nakasuot pa mismo ng lumang MTPB uniform nang maaresto sa Mel Lopez Boulevard, kanto ng Moriones St., na walang suot na face mask noong Enero 17, 2021.

Walang naipakitang ID ang suspek na itinuturong nangongotong sa lugar, partikular sa R-10 sa mga dumaraang truck at pampasaherong dyip.

Kasabay nito, bina­laan din ni Moreno ang mga traffic enforcers na ‘wag gagawa ng iregularidad dahil tatamaan sila ng ‘one strike policy’ sa mga masasangkot sa extortion at iba pang anomalya sa pagganap sa kanilang trabaho.

Inatasan din ni Moreno ang Manila Police District (MPD) na isulong ang mga kasong extortion at usurpation of authority laban sa suspek.

MTPB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with