^

510 illegal aliens naaresto ng BI

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mayorya sa 510 illegal aliens na naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ay pawang Chinese nationals.

Ayon kay Immigration intelligence chief Fortunato Manahan, Jr., 332 ang Chinese nationals na nadakip ng BI sa taong 2020 dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gaming at cybercrime activities.

Ayon naman kay BI Commissioner Jaime Morente, ang 510 illegal aliens na naaresto ng nakalipas na taon ay napakababa kumpara sa 2,000 banyagang nadakip noong 2019, kung saan nangunguna pa rin sa laki ng bilang ang mga Chinese.

Paliwanag ni Morente, ang pagbagsak sa bilang ng mga naarestong illegal aliens ay dulot ng pagpapatupad ng community quarantine dahil sa pandemya.

Kabilang din sa mga nadakip ang 14 Indian nationals sa General Santos City noong Pebrero 4, 2020 at 30 pa nilang mga kababayan sa Quezon City noong Marso 2020 na pawang overstaying at improperly documented.

Nasa 14 naman ang South Korean at 2 Vietnamese na nadakip dahil sa kawalan ng permit at nagpapatakbo ng hindi otorisadong negosyo sa bansa.

Nakipagtulungan din ang BI sa pagsakote ng militar sa mga dayuhang terorista sa Mindanao, kabilang ang asawang Indonesian ng suicide bomber na nadakip sa Jolo, Sulu noong nakalipas na Oktubre.

BUREAU OF IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with