^
Mas maluwag na quarantine restrictions sa Metro Manila, tinutulan
Ang Metro Manila, na sinasabing epicenter ng COVID-19 sa bansa na kung saan patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID matapos ang kapaskuhan at nagdaang holiday season.
AFP/Maria Tan

Mas maluwag na quarantine restrictions sa Metro Manila, tinutulan

(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa umano nararapat na ilipat na ang Metro Manila sa mas maluwag na quarantine restrictions sa Pebrero.

Ayon ito kay National Task Force against CO­VID-19 spokesman Restituto Padilla.

Binanggit nito na sa tingin niya na dapat manatili pa ang kasalukuyang quarantine res­trictions ang MM hanggang sa gumanda ang datos ng mga kaso dito.

Ang  Metro Manila, na sinasabing epicenter ng COVID-19 sa bansa na kung saan patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID matapos ang kapaskuhan at nagdaang holiday season.

“Personally nakikita natin at my end na ang mga datos ay hindi nararapat. So siguro mananatili pa rin ang ating quarantine procedures natin hanggang makita natin na ang datos na ito ay magi-improve,” ani Padilla sa isang radio interview.

Kasalukuyan pang nasa general community quarantine ang Metro Manila.

Ang MGCQ ang pinakamaluwag sa apat na qua­rantine restrictions na inilatag ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health nitong Biyernes, aabot na sa 218,697 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Kamakalawa ay pina­yagan na rin na maluwagan  ang age restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng modified GCQ para payagang lumabas ang mga batang may edad 10 pataas. Kasabay niyan, hinikayat ng gobyerno ang mga lugar na naka-GCQ na luwagan na rin ang kanilang age restrictions bilang tulong sa ekonomiya.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with