^
Pagbuwag sa UP-DND accord, suportado ng DILG
Ayon kay DILG Officer-in-Charge (OIC) Usec. Bernardo Florece, obsolete na ang kasunduan at hindi na naayon sa panahon ngayon.
STAR/ File

Pagbuwag sa UP-DND accord, suportado ng DILG

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ginawang pagbuwag ng Department of National Defense (DND) sa kanilang 1989 accord sa University of the Philippines (UP).

Ayon kay DILG Officer-in-Charge (OIC) Usec. Bernardo Florece, obsolete na ang kasunduan at hindi na naayon sa panahon ngayon.

“The agreement has become obsolete and no longer attuned to the times. It was signed way back in 1989, three years after the end of the Marcos dictatorship. The conditions have changed,” ani Florece, sa isang pahayag.

Sang-ayon din si Florece sa DND hinggil sa ongoing clandestine recruitment sa loob ng UP campuses ng mga komunista at kanilang front groups, kabilang na ang New People’s Army.

“This fact has been tolerated by the government for a long time out of respect for the agreement,” aniya pa

Kaugnay nito, magpapatawag umano ang DILG ng pulong sa mga opisyal ng UP sa susunod na linggo para sa pagrebyu ng kanilang sariling 1992 UP-DILG agreement na naglilimita sa presensiya ng mga pulis sa loob ng mga campus ng UP.

Layunin nitong matukoy kung ang kasunduan ay mahalaga pa at nagsisilbi para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa loob ng UP campuses.

DND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with