^
Deadline sa road clearing ops, pinalawig pa ng DILG sa February 15
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, batid nila ang pangangailangan na makapaghanda ang mga barangay sa mass vaccination kaya’t pinalawig ang deadline sa road clearing operations.
Michael Varcas

Deadline sa road clearing ops, pinalawig pa ng DILG sa February 15

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang deadline para sa road clea­ring operations sa bansa hanggang sa Pebrero 15.

Ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga local government units (LGUs) na maiprayoridad ang idaraos na COVID-19 mass vaccination program.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, batid nila ang pangangailangan na makapaghanda ang mga barangay sa mass vaccination kaya’t pinalawig ang deadline sa road clearing operations.

Paglilinaw naman niya, ito na ang huling ekstensyon na pagbibigyan ng DILG para dito.

“We need to give LGUs time to focus on their local vaccination plans so we are giving them more time to undertake their road-clearing operations,” aniya pa.

Matatandaang ang orihinal na deadline sa road clea­ring ay noong Enero 15 ngunit iniurong noong Enero 22.

Ang road clearing ay isinasagawa alinsunod sa kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte na linisin ang mga kalsada upang maibalik sa mga mamamayan at mapaluwag ang daloy ng trapiko.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with