^
8 drug suspects, huli sa buy-bust
Batay sa ulat ng QCPD Novaliches Police Station (PS 4), nabatid na ang mga suspek ay naaresto dakong alas-11:30 ng gabi sa 28 Geronimo Compound, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Boy Santos

8 drug suspects, huli sa buy-bust

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong drug suspects ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang buy- bust operation sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director PBGen Danilo Macerin ang mga suspek na sina Jonathan Baldano, alyas Boss, 24; Reymart Peregrino, alyas Mac Mac, 30; Jerome Alcos, alyas Jr, 30; Kyle Lopez, 22; Gelo De Salva, alyas Ramram; 20; Jim Oliva, alyas Nunoy, 23; Ronald Encong, 46; Carlito Garay, alyas Cong Cong, 43; at Rachel Belarmino, alyas Cheche, 20; pawang residente ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Batay sa ulat ng QCPD Novaliches Police Station (PS 4),  nabatid na ang mga suspek ay naaresto dakong alas-11:30 ng gabi sa 28 Geronimo Compound, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust ­operation.

Isang undercover cop ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P12,500 halaga ng droga ay kaagad nang pinosasan ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at 10 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,200, isang cellular phone,  brown wallet, at digital weighing scale.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with