^

Navotas handa na sa vaccination program

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahanda na rin ang pamahalaang lungsod ng  Navotas kaugnay ng implementasyon ng COVID-19 vaccination program para sa kanilang mga frontliners partikular na ang mga medical personnels at maging ang libu-libong mga residente.

Ito ang inihayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco  matapos ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng City Health Department  kaugnay ng rollout ng COVID-19 vaccine na inaasahan na ang pagdating ng unang batch sa susunod na buwan mula sa Pfizer, isang US pharmaceutical company.

Sinabi ni Tiangco na nasa 267,000 ang kasalukuyang populasyon sa Navotas City at nasa 103,000 na  edad 18 pataas na target mabakunahan.

“Hindi po sabay-sabay ang pagdating ng bakuna kaya kailangan meron po tayong priority list. Pinakauna ay ang ating mga public at private medical frontliners dahil sila po ang may pinakamataas na tsansa ng exposure sa COVID-19”, pahayag ng alkalde.

Kabilang naman sa mga nasa priority list ay mga frontline health workers, indigent senior citizens, iba pang senior citizens, indigent population, mga uniformed personnel, mga guro at school health workers, lahat ng government workers, essential workers sa agrikulturaat food industry.Gayundin mula sa sektor ng  transportasyon at turismo, mga nakakulong, PWD ( Person With Disability ), mga residenteng nakatira sa matataong lugar, Overseas Filipino Workers (OFWs),  mga manggagawa, mga mag-aaral at iba pa.

Samantala, pinaalalahanan din ni Tiangco ang mga residente ng Navotas City na magpatala sa COVID-19 vaccination program upang maging handa sa pagdating ng bakuna kontra sa virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with