^

Nobya at ina ng unang UK COVID-19 variant patient, negatibo na rin sa virus

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-negatibo na rin sa UK COVID variant  ang girlfriend at nanay ng unang Pinoy na nagtaglay ng nasabing variant na nanggaling ng Dubai.

Ayon kay  Dr. Rolly Cruz, head ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, patuloy na imomonitor ng mga doktor ang kanilang kalagayan  at tatapusin na lamang ang kanilang qua­rantine sa isolation acility bago payagang makauwi sa kanilang bahay.

Kahapon ng umaga, negatibo rin ang resulta ng pinakahuling PCR test ng lalaki na unang nakitaan ng UK variant.

Ginawa ang swab test  noong Huwebes at  nitong nagdaang Biyernes  kung saan nga lumabas negatibo na siya sa COVID.

Sinabi ni Dr. Cruz, daraan pa rin  ito sa final medical assessment ng mga doktor sa quarantine facility kung saan siya nanunuluyan, bago siya payagang muling makasama ang kanyang pamilya at makabalik sa kanilang komunidad. (

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with