^

Metro

4 na kidnaper patay: Dinukot na Chinese nasagip

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
4 na kidnaper patay: Dinukot na Chinese nasagip
Magkasama sa operasyon ang QCPD Special Operations Unit, Holy Spirit Police Station 14 at ang PNP Anti-Kidnapping Group nang pasukin ang hinihinalang hide-out ng mga suspek sa kahabaan ng San Simon St. sa Brgy. Holy Spirit alas-3:45 kahapon ng madaling araw.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na kidnaper ang napaslang sa naganap na shootout sa pagitan ng mga ito at mga pulis Quezon City habang sinasagip ang biktimang Chinese sa Brgy.  Holy Spirit sa Quezon City kahapon.

Ayon sa ulat, nai-ligtas naman ang biktimang Chinese na kinilalang isang Zhi Fu.

Magkasama sa operasyon ang QCPD Special Operations Unit, Holy Spirit Police Station 14 at ang PNP Anti-Kidnapping Group nang pasukin ang hinihinalang hide-out ng mga suspek sa kahabaan ng San Simon St. sa Brgy. Holy Spirit alas-3:45 kahapon ng madaling araw.

Nakumpiska sa  mga napaslang na  suspek ang isang M-16 rifle, isang caliber 45 pistol, isang caliber 9mm pistol, isang caliber 38 revolver, isang hand grenade, isang motorsiklo, isang To-yota Vios, isang cellular phone at hindi madeterminang halaga ng shabu.

Patuloy ang pagbusisi ng mga pulis hinggil dito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with