^

Metro

2 kapwa pasahero ng Pinoy UK variant patient, hanap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 kapwa pasahero ng Pinoy UK variant patient, hanap
Kritikal ang pagha-hanap sa dalawa upang mapigilan ang pagkalat pa ng mas nakakaha-wang strain ng COVID-19.
The STAR/Rudy Santos, file

Tulong ng NBI hiningi ng DOH

MANILA, Philippines — Hiningi ng Department of Health ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para mahanap ang da-lawa pang pasahero na nakasabay sa biyaheng Dubai-Manila ng Pinoy na unang kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa. 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na humingi na sila ng tulong kahapon sa NBI sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ) para matunton ang dalawang pasahero.

“We will be providing these 2 names to the NBI through the Department of Justice today para lang mahanap natin,”  ani Vergeire.

Naniniwala si Vergeire na matutunton ng NBI ang dalawang pa-sahero sa  pamamagitan ng database.

Ang dalawa na lang mula sa 159 pasahero ang hindi pa natutunton na dumating sa bansa noong Enero 7, 2021 mula sa United Arab Emirates.

Hindi aniya makontak ang dalawa sa ibinigay nilang contact details dahil ang isa ay gumamit ng telephone number sa abroad habang ang isa ay nakapaglagay ng maling numero.

Hindi rin matunton ang tirahan nila dahil walang house number o street na nakasulat sa kanilang contact form.

Kritikal ang pagha-hanap sa dalawa upang mapigilan ang pagkalat pa ng mas nakakaha-wang strain ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with