^

Metro

Pinoy UK variant patient, negatibo na sa COVID-19

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinoy UK variant patient, negatibo na sa COVID-19
Ang nasabing lalaki na taga-Brgy. Kamuning ay unang tinukoy na positibo sa UK CO-VID-19 variant matapos ang kanyang biyahe sa Dubai at dumating sa bansa nitong January 7.
NIAID

MANILA, Philippines — Tuluyan nang gu­maling ang lalaking unang nagpositibo sa UK COVID-19 variant matapos magnegatibo na ito sa huli niyang swab test. 

Sa inilabas na state­ment ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, sasailalim na lamang sa final assessment ang lalaki bago ito pa­yagang makauwi sa kanyang pamilya. 

Wala na rin  uma­nong nakikitang anumang sintomas sa naturang pasyente kung kaya’t dapat na itong pauwiin.

Ngunit mananati­li pa rin umano ang gagawin nilang monitoring sa nasabing pas­yente para matiyak na tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling.

Ang nasabing lalaki na taga-Brgy. Kamuning ay unang tinukoy na positibo sa UK CO-VID-19 variant  matapos ang kanyang biyahe sa Dubai at dumating sa bansa nitong January 7. 

Sinasabing bago  ito magtu­ngo sa Dubai ay negatibo naman ang kanyang swab test at pinaniniwalaang nakuha niya ang bagong variant ng virus nang siya ay pauwi na ng Pilipinas.

Gayunman, sinasabing nagpositibo naman sa virus ang kanyang nobya at ina.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with